DSWD, makikiisa sa gaganaping earthquake drill sa Huwebes

Photo: DSWD NCR FB

Makikiisa ang DSWD Field Office NCR – Disaster Response Management Division sa Office of Civil Defense (OCD) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kasama ng iba pang National Government Agencies at iba pang mga sektor, sa pagsasagawa ng 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Huwebes, November 11, 2021.

Ang NSED ay pangunahing pagsisikap sa pangunguna ng OCD, na naglalayong mapagbuti ang pagiging handa sa pamamagitan ng regular na pagsasagawa ng drills/exercises.

Target nito na maturuan ang publiko na maging handa sa mga sakuna gaya ng lindol at subukin ang contingency plans ng Local Government Units (LGUs), mga ahensiya ng gobyerno, pribadong sektor, at iba pang mga katuwang.

Eksakto alas-8:00 ng umaga, lahat ay inaanyayahan na lumahok sa isasagawang NSED sa pamamagitan ng isang virtual webinar at pagpa-praktis ng Duck, Cover, and Hold.

Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang OCD official Facebook page: Civil Defense PH

Please follow and like us: