DSWD naglaan ng 11.3 milyong pisong assistance sa mga biktima ng super bagyong Egay

Patuloy na tinutulungan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang mga biktima ng super bagyong Egay sa Northern Luzon

Umabot na sa 11.3 milyong piso ang tulong na inilaan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga biktima ng super bagyong Egay sa northern luzon.

Sinabi ni DSWD Spokesman Assistant Secretary Romel Lopez na nasa 102,000 na pamilya ang naapektuhan ni Egay o katumbas ng 342,000 na indibiduwal at mayroong 5,790 na pamilya o katumbas ng 19,714 na indibiduwal ang nasa ibat-ibang evacuation centers sa Region 1, Region 2 at Cordillera Administrative Region o CAR.

Ayon kay Lopez nasa 184 na bahay ang nasira ng bagyo 21 ang totally damage at 163 ang partially damage.

Inihayag ni Lopez na bukod sa 85,000 family food packs na naka-preposition sa Region 1, Region 2 at CAR nagpadala pa ang DSWD ng karagdagang 10,000 family food packs sa Ilocos Norte na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa pananalasa ng bagyong Egay.

Iniulat ni Lopez na dahil sa lakas ng bagyong Egay na-damage ang may 1,000 family food packs sa warehouse ng DSWD sa Ilocos Norte matapos itong wasakin ng bagyo.

Niliwanag ni Assistant Secretary Lopez na mahigpit ang kautusan ni DSWD Secretary Rex Gatchillan sa mga field personnel ng DSWD sa region 1, region 2 at car na abutan ng food at non food assistance ang mga biktima ng kalamidad.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *