DSWD naglabas ng cease and desist order sa isang orphanage sa QC
Naglabas ng cease and desist ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) laban sa isang orphanage sa Quezon City.
Dahil dito, pansamantala munang kinuha ng DSWD ang kustodiya sa mga batang inaalagaan sa Gentle Hands Orphanage na nasa Project 4, Quezon City dahil sa isyu ng seguridad at kaligtasan.
Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, nakatanggap sila ng reklamo at impormasyon na nasa bingit ng peligro ang lagay ng mga bata na kinukupkop sa nasabing orphanage.
Sa isinagawang inspection, sinabi ng kalihim na maraming paglabag ang nasumpungan.
Kabilang sa mga nakitang paglabag ang mga sumusunod: violation sa Fire Code dahil sa mayroong obstruction sa fire exit, kakulangan ng mga social workers na mangangasiwa sa loob ng 24 oras sa isang linggo, overcrowded ang pasilidad na tinutuluyan ng 149 gayong ang building capacity ay mayroon lamang 85 katao.
Binibigyan ng DSWD ng 20 araw na grace period ang Gentle Hands para mag-compy ang orphanage sa kautusan at itama ang kanilang mga naging paglabag.
Ang Gentle Hands Orphanage ay pinamamahalaan ng Canadian national na si Charity Granff.
Vic Somintac