DSWD, nagpadala na ng family food packs sa mga residenteng apektado ng oil spill sa Bataan
Nagpadala na ng family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa mga residente ng mga rehiyong apektado na ng oil spill mula sa lumubog na oil tanker na MT Terra Nova sa Limay, Bataan.
Bahagi ito ng relief assistance ng kagawaran upang matugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng pagtagas ng langis.
Samantala, karagdagang 2,800 mga kahon pa ng family food packs mula sa National Resource Operations Center sa Pasay City, ang ipinadala ng ahensiya para naman sa mga apektado ng oil spill sa Bacoor, Cavite.
Tuloy-tuloy din ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga lokal na pamahalaan para sa assessment sa mga komunidad na apektado ng pagtagas ng langis.