DSWD, nakapamahagi na ng 767,798 family food packs sa mga biktima ng Bgayong Kristine

Courtesy: DSWD

Tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng relief goods ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa mga biktima ng Bagyong Kristine sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Bstay sa data na inilabas ni DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, umabot na sa 767,798 family food packs ang naibigay sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Kristine.

Courtesy: DSWD

Ss Bicol region, nasa 241,899 family food packs ang naipamahagi na ng DSWD, sa CALABARZON ay 90,920, sa Central Luzon ay 130,633, sa Estern Visayas ay 79,602, sa Cagayan Valley ay 38,365, sa Ilocos Region ay 46,060, at sa NCR ay 50,506.

Courtesy: DSWD

Namahagi na rin sa MIMAROPA ng 7,248 family food packs, sa Western Visayas ay 41,724, sa Zamboanga Peninsula ay 2,931, sa Northern Mindanao ay 10,167, sa SOCSARGEN ay 18,080, sa CARAGA ay 12,780, sa CAR ay 2,790, sa Davao region ay 183 at sa Central Visayas ay 3,589.

Courtesy: DSWD

Ayon sa DSWD, ginamit ang air assets ng Philippine Air Force at sea vessels ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard, sa pagdadala ng relief goods sa mga sinalanta ng Bagyong Kristine, dahil pahirapan pa rin ang land travel dahil sa mga baha at landslides.

Courtesy: DSWD

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *