DSWD, nanawagan para sa mga donasyon at volunteers para sa “Walang Gutom Kitchen”
Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga donasyong pagkain mula sa nga restaurant at fast food chains, maging mula sa mga indibidwal na handang magbigay ng boluntaryong serbisyo, para sa bagong bukas na “Walang Gutom” (Zero Hunger) Kitchen.
Sa isang video message na ipinost sa Facebook page ng DSWD, ay sinabi ni Secretary Rex Gatchalian, “I want to announce that we are looking for food donations, as well as service donations. We are encouraging organizations and individuals who want to help fight hunger to go to the Walang Gutom Kitchen at Nasdake Building in Pasay City to be volunteer server) for the day.”
inilunsad noong Dec. 16, ang Walang Gutom Kitchen ang pinakabagong innovative program ng DSWD na nag-aalok ng holistic solutions sa kagutuman at kawalan ng tahanan.
Pangunahing target nito ay mga bata, indibidwal, mga pamilyang sa lansangan nakatira iba pang mga Pilipinong nakararanas ng di-sinasadyang pagkagutom o “involuntary hunger.”
Bukod sa pagtugon sa involuntary hunger, sinabi ni Gatchalian an ang kitchen ay makatutulong din na maiwasan ang food wastage o pagsasayang ng pagkain.
Ayon sa kalihim, “Firstly, we want to eradicate hunger. But where will we get the food? Because the soup kitchen is also a food bank, this is where hotels, restaurants, and fast foods bring their excess and unconsumed food during the day.”
Dagdag pa niya, “Instead of throwing them away as waste, they now have a place where they can donate it, and where the DSWD, for its part, will distribute and serve it to our countrymen who are experiencing hunger, families living in the streets, and individuals and the youth who are experiencing involuntary hunger.”
Aniya, ang DSWD ay magbubukas ng mas marami pang soup kitchens sa buong bansa, upang maisakatuparan ang tinatanaw ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na ang Pilipinas ay maging “hunger-free.”
Sinabi ni Gatchalian, “in a few months, we will open more Walang Gutom Kitchens nationwide to ensure that the aspiration of President Marcos will be realized: To end hunger.”
Samantala, ang Nestlé Philippines ay nag-donate na ng 300 piraso ng tig-isang kilong pakete ng powdered chocolate, habang ang Bossing Nation ay nagbigay naman ng limang kahon ng dishwashing liquid.