DSWD, napaliwanag sa laban o bawi sa mga miyembro ng 4P’s na nakatanggap ng Educational assitance
Hindi na oobligahin ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na isauli pa ng mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s ang kanilang natanggap na educational assistance.
Sinabi ng pamunuan ng DSWD na irerefund na lamang ito o ibabawas sa kanilang buwang tinatanggap na ayuda.
Inamin ng DSWD na nasa kanila ang pagkakamali ng i-anunsiyo sa publiko na kasama ang mga 4PS beneficiaries sa tatanggap ng ipinamamahaging educational assistance sa mga mahihirap na may anak na nag-aaral mula elementary, high school, kolehiyo at vocational.
Niliwanag ng DSWD , ang 4PS ay isang uri na ng educational assistance para sa mga naka-enroll sa programa.
Ang DSWD ay mamamahagi ng educational assistance sa loob ng anim na sabado sa lahat ng mga mahihirap kung saan 1,000 pesos para sa may anak na nag-aaral sa elementary, 2,000 pesos para sa junior high school, 3,000 pesos para sa senior high school at 4,000 pesos para sa kolehiyo at vocational na maaaring magamit na pambili ng school supplies.
Vic Somintac