DSWD-NCR, magsasagawa ng 4Ps Ceremonial Graduation sa Maynila

Photo: DSWD NCR / FB

Magsasagawa ng isang Graduation Ceremony ang Department of Social Welfare and Development – National Capital Region Pantawid Pamilyang Pulipino Program (4Ps) sa November 15, 2021 sa ganap na ika-8:00 ng umaga, na gaganapin sa Antonio Villegas Hall, Office of the Mayor, Manila City Hall, Padre Burgos ave., Ermita, Maynila.

Ang graduation ceremony ay katatampukan ng 50 household benefeciaries mula sa lungsod ng Maynila na e-exit na mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Ang nabanggit na households ay na-assess na self-sufficient family na, base sa pinakahuling Social Welfare Development Indicator (SWDI) assessment findings.

Ang seremonya ay dadaluhan nina DSWD-NCR Regional Director Vicente Gregorio Tomas, Manila Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Maria Sheilah Lacuna-Pangan, DSWD-NCR Asst. Regional Director for Operations Lea Mae Swindler at OIC-Regional Program Coordinator Keren Jemina.

Ang event ay sasaksihan din ng partner stakeholders ng programa mula sa iba’t-ibang National Government Agencies, Civil Society Organizations (CSOs) at ng mga pribadong sektor.

Inaasahan na mapapanood ito via live streaming sa DSWD-NCR Official facebook page sa nabanggit na petsa.

Ang Ceremonial Graduation sa Maynila ang ika-9 sa serye ng ceremonial graduations sa buong rehiyon na binubuo ng 17 local government units (LGUs).

Gayundin, ang nasabing ceremonial graduatiom ay isa sa highlights ng Pantawid Pamilya dahil ipagdiriwang ng programa ang 2nd year institutionalization bilang isang National Poverty Reduction Strategy ng pamahalaan o R.A. 11310 na kilala rin bilang “An Act Institutionalizing the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).”

Please follow and like us: