DSWD NCR, nag-organisa ng isang clean-up drive sa pamamagitan ng Cash-for-Work Project
Nag-organisa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office (FO) National Capital Region (NCR) – Disaster Response Management Division (DRMD) ng isang organized a Clean-Up Drive sa Baseco Beach, bilang bahagi ng Manila Bay Rehabilitation.
Sa pamamagitan ito ng sampung araw na Cash-for-Work (CFW) project, kung saan kabuuang 60 indibidwal na naapektuhan ng bagyong Ulysses sa Marikina City ang lumahok sa nasabing Clean-Up Drive na isinagawa noong November 9-18, 2021.
Sa Baseco Beach napapadpad ang mga kalat mula sa maraming mga siyudad at lalawigan na nasa paligid ng Manila Bay. At lumalala pa ito sa tuwing may dumarating na bagyo sa rehiyon at resulta nito ang makikitang napakaraming kalat sa baybayin at kahabaan ng Baseco Beach.
Dahil dito ay ipinag-utos ni DSWD Secretary Rolando Joselito Bautista ang pagpapatupad sa Cash for Work Project sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Ulysses sa Marikina City bilang benepisyaryo, at magpatuloy at bumahagi sa paglilinis sa pinaka maruruming baybayin ng Manila Bay.
Sa pakikipag-ugnayan sa the Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang baybayin ng Baseco Beach sa maynila na binansagang “garbage patch” sa Manila Bay, ang ginawang target area para sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad.
Sa ilalim ng kaparehong proyekto, 60 beneficiaries mula sa Marikina City ang inatasang maglinis sa baybayin ng Baseco Beach sa tulong ng 50 DENR Estero Rangers.
Sa pagtatapos ng aktibidad, ang 60 beneficiaries ay binigyan ng kompensasyon para sampung araw nilang partisipasyon sa paglilinis sa itinalaga sa kanilang lugar sa Baseco
Sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad, tinatayang 200 sako ng iba’t-ibang mga basura gaya ng balat ng candy, upos ng sigarilyo, mga kable, mga plastik, styrofoam, diapers, napkins, used clothing at iba, ang nakolekta.
Ang Cash-for-Work o CFW ay bahagi ng Risk Resiliency Program for Climate Change Adaptation and Mitigation-Disaster Risk Reduction ng DSWD, na naglalayong mapigilan ang epekto ng mga hindi inaasahang sakuna sa rehiyon.
Kabilang dito ang pagkakaloob ng temporary employment kaugnay ng nasabing programa, sa mga indibidwal na naapektuhan o malamang na maapektuhan ng mga sakuna at nangangailangan ng dagdag na suportang pinansiyal, sa pamamagitan ng pinagsama-samang pagkilos at epektibong koordinasyon ng iba’t-ibang lokal na pamahalaan sa National Capital Region