DSWD NCR, namahagi ng payout para sa beneficiaries ng Cash-for-Work Projects
Namahagi ngayong araw ng payout ang DSWD Field Office NCR – Disaster Response Management Division, para sa qualified beneficiaries ng Cash-for-Work Projects sa Jestra Villas, San Antonio Valley 5, Covered Court sa Parañaque City.
Ang payout ay para sa 10-araw na trabaho ng beneficiaries na may kaugnayan sa Disaster Risk Reduction and Management.
Ang proyekto ay bahagi ng Risk Resiliency Program (RRP) for Climate Change Adaptation and Mitigation (CCAM) – Disaster Risk Reduction ng DSWD.
Layon nito na pigilan ang epekto ng mga sakuna sa rehiyon.
Layunin din ng proyekto na magkaloob ng pansamantalang trabaho sa mga indibidwal na naapektuhan o malamang na maapektuhan ng mga sakuna, at nangangailangan ng dagdag na kita.
Ang RRP for CCAM ay ipinatupad sa pamamagitan ng magkasamang pag-aksiyon at epektibong koordinasyon ng DSWD-NCR at ng Local Government Units (LGUs) sa National Capital Region.