DSWD, tiwala sa LGUs na magagawan ng paraan ang mga reklamo ng constituents ukol sa payout
Maayos sa pangkalahatan ang naging pamamahagi ng ayuda sa Region 4A, at ilang mga lunsod sa NCR. Ganito ang ginawang paglalarawan ni Department of Social Welfare and Development Spokesperson, Director Irene Dumlao, batay sa kanilang monitoring and coordination.
Kung meron man anyang mga napaulat na naging paglabag sa health and safety protocols sa panahon ng payout, ito ay mangilan-ngilan lamang.
Sa kanilang obserbasyon, karamihan sa mga lokal na pamahalaan o LGUs ay sumunod sa nakasaad sa joint memorandum circular number 1, series of 2021 na tumutukoy sa proseso ng pamamahagi ng financial assistance, at pagtiyak din na nasusunod ang health protocols.
Sinabi pa ni Dumlao na kinakailangan maglagay ng grievance desk ang mga LGU para ma-handle ang reklamo ng constituents.