DTI Bataan Diskwento Online at Rolling Caravan, binuksan sa bayan ng Dinalupihan at Balanga city
Binuksan na sa Balanga city at sa bayan ng Dinalupihan, ang dalawang araw na Diskwento Online at Rolling Caravan ng Department of Trade and Industry o DTI.
Labingwalong establisimyento, siyam na suppliers at siyam na micro entrepreneurs ang lumahok para maibahagi ang kanilang mga produkto, sa mga barangay na napili nilang puntahan.
Kabilang sa mga mabibili ang mababang halaga ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng mantika, asukal, sabon, mga canned goods, at mayroon ding appliances at local products na gawa sa Bataan.
Ang unang araw ng Caravan ay isinagawa sa Barangay Cabog-Cabog, Tanato, Dangcol, at Greater Bani na pawing nasa Balanga city.
Ang ikalawang araw ay isinagawa naman sa bayan ng Dinalupihan, at ang mga barangay na pinuntahan ay ang Barangay Colo, Magsaysay, Pagasa, Saguing at sa Dinalupihan Municipal Ground.
Ang Diskwento Online at Rolling Caravan, ay dinala sa mga nabanggit na barangay upang makapamili ang mga taga roon nang hindi na kailangang umalis pa sa kanilang lugar.
Ulat ni Josie Martinez