DTI Bataan, nagsagawa ng SSF turn over ceremony
Isang Shared Service Facility (SSF) turn over ceremony, ang isinagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Abucay, Bataan.
Labing tatlong samahan at kooperatiba ang nakatanggap, kung saan anim ang nabigyan sa unang distrito at pito sa pangalawang distrito. Ang mga ito ay mula sa mga bayan ng Abucay, Morong, Orani, Pilar, Limay, Mariveles at syudad ng Balanga.
Ang naturang mga kagamitan ay nauukol sa iba’t-ibang uri ng paggamit gaya ng sa bag embroidery, candle making, meat processing, food processing, breads and pastries processing, processed food, at broom making.
Kabilang sa mga nakatanggap ay ang mga sumusunod:
Mariveles Bag Makers
Mariveles Women’s Community (MWC)
People at Pilar Ric Multi-Purpose Cooperative (MPC)
Kababaihan ng Bataan tungo sa kaunlaran (KABAKA) Inc.
Gabon OFW Family Circle Association Inc.
Mabatang Broom Makers and Vendors Association Inc.
Balanga Agrarian Reform Beneficiaries (BARB)
Tanato at Morong Multi-Purpose Cooperative
Samahan ng Kababaihang Ayta sa Kinaragan (SKAK)
Capitangan Organic Farmers
Ayon kay DTI Provincial Director Ms. Nelin Cabahug, ang mga nabanggit na kagamitan ay ibinigay ng ahensya upang lalo pang makatulong sa nasabing mga samahan at kooperatiba, hindi lang sa kanilang mga miyembro kundi pati na rin sa Medium and Small nterprises (MSME’s) sa kanilang lugar na gustong matutong gumamit sa mga naturang equipment at makatulong sa lalo pang pagpapa-angat sa kanilang buhay.
Sinabi rin ni Cabahug, na ang DTI ay patuloy na magmo-monitor sa nasabing mga samahan at kooperatiba, na nabiyayaan ng mga kagamitan.
Masaya namang nagpasalamat ang bawat nakatanggap at nangakong iingatan nila ang mga kagamitang ibinigay ng DTI.
Ulat ni Josie Matinez