DTI nag-ikot sa ilang tindahan sa Maynila
Nag-ikot ang mga tauhan ng Department of Trade and Industry sa ilang supermarket sa Recto Avenue at tindahan ng accessories ng motorsiklo at appliances sa 999 Mall sa Maynila.
Ayon Trade Undersecretary Ruth Castelo, layon ng aktibidad na mabantayan ang presyuhan maging ang supply ng iba’t ibang basic necessities at prime commodities.
Sa kanilang pag-iikot nila sa dalawang supermarket na ito, sumusunod naman sa SRP at karamihan sa mga produkto ay mas mababa pa nga sa SRP.
Samantala, sinabi ni Castelo na walang problema sa supply ng mga produkto sa supermarkets, at patuloy din aniya ang monitoring dito ng DTI.
Ayon naman kay Rosita Jaleco, Hepe ng Product Standards Monitoring Division ng DTI, may apat na tindahan ang kanilang binigyan ng notice of violation.
Ito ay dahil sa mga hindi sertipikadong produkto na nangangahulugang hindi dumaan sa pagsusuri.
Ang ilang helmet na nakita ng team ng DTI, wala ring ICC certification.
Ang mga appliances naman, walang english translation.
Paliwanag ni Jaleco, delikado ito para sa kaligtasan ng rider o consumer.
Giit naman ni Castelo, hindi nila tinatarget ang mga maliliit na negosyante kundi nais lang nilang masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Madelyn Villar-Moratillo