DTI, nagbabala na maraming manggagawa ang mawawalan ng trabaho kapag lumusot ang 10% excice tax sa mga sasakyan
Nagbabala ang Department of Trade and Industry na maraming mangagawa ang posibleng mawalan ng trabaho kapag inaprubahan ang sampung porsyentong excise tax o mga sasakyan sa ilalim ng tax reform accrelaration and inclusion o train ng Duterte administration.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni Senador Sonny Angara, inamin ni DTI Assistant Secretary Rafaelita Aldaba, posibleng umabot hanggang 3 percent ang magiging pagtaas sa mga Sedan habang 6 percent sa mga sasakyang nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso.
Nangangahulugan aniya ito na hindi malayong mabawasan ang manufacturing ng sasakyan at pagkawala ng trabaho lalo na sa manufacturing industry.
Sa ngayon, nasa Committee level pa rin ang panukala pero hindi pa nakatitiyak na lulusot batay sa inaprubahang bersyon ng Kamara.
Ulat ni: Mean Corvera