DTI nagbabala sa mga negosyante na magsasamantala ngayong Undas ng mga Katoliko
Muling nagbabala ang Department of Trade and Industry sa mga negosyante na posibleng magsamantala ngayong panahon ng undas ng mga Katoliko.
Giit ni DTI Secretary Ramon Lopez, hindi rason ang okasyon para magpataw ng dagdag presyo sa mga paninda.
Pero aminado si Lopez na tali ang kanilang kamay kapag ang nag over-price ng mga paninda ay ang mga maliliit na tindahan.
Hanggang sa mga supermarket at groceries lang kasi aniya ang sakop ng ipinatutupad na suggested retail price ng DTI.
Limang libo hanggang isang milyong piso ang maaaring maipataw na multa sa mga negosyante na mapapatunayang magsasamantala sa mga consumer.
Kaya naman payo ng DTI sa mga kababayan natin na magpupunta sa mga sementeryo o bibyahe pauwi sa mga probinsya, magbaon nalang ng sariling tubig o pagkain para mas makatipid.
Ulat ni Madz Moratillo