DTI nakipag-ugnayan sa mga pharmacies para maiwasan ang panic buying ng paracetamol
Tiniyak ng DTI na may sapat na suplay ng paracetamol.
Ang pahayag ay inilabas ng DTI kasunod ng sinasabing shortage ng nasabing gamot.
Ayon sa DTI, nagkaroon lamang ng pansamantalang stock outs sa retail branches ng ilan sa mga kilalang brands.
Ito ay dahil sa biglaang pagtaas ng demand sa paracetamol na gamot para sa lagnat at common pains.
Sinabi ng DTI na pinamamadali na ang deliveries ng gamot para mareplenish ang stock inventories.
Inihayag pa ng kagawaran na nakikipag-ugnayan na ito sa drugstores at pharmacies upang maiwasan ang panic buying at malimitahan ang mga binibiling gamot ng mga mamimili.
Moira Encina
Please follow and like us: