DTI, tiniyak ang kanilang tulong sa mga maliliit na negosyante sa Boracay

Tiniyak ng Department of Trade and Industry o DTI na nakahanda silang tulungan ang mga Micro-entrepreneur at mga residente ng Boracay island kasunod ng pagpapasara sa isla.

Sa panayam, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na tuluy-tuloy ang pagsasagawa nila ng training at meron din silang pautang para pang-puhunan sa mga nagnanais magnegosyo doon.

Tinutulungan din aniya ng DTI ang mga maliliit na negosyante na ibenta ang kanilang mga produkto sa ilalim ng kanilang proyektong “Bagong Buhay Boracay”.

“Yung produkto nila, dadalhin sa mga karatig cities, minsan yung iba pa nga dinadala dito sa Manila para ma-market. May programa kami “Bagong buhay Boracay” para mabigyan ng extra access yung mga nagnenegosyo sa Boracay”.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *