DTI, tiniyak na sapat ang suplay ng pagkain sa Metro Manila sa panahon ng ECQ
Hindi na kailangang mag-alala ang publiko o mag-panic buying bilang paghahanda sa panahon ng implementasyon ng Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, sapat ang suplay ng pagkain at iba pang basic needs kahit pa nasa mahigpit na quarantine status ang Metro Manila.
Nilinaw ni Lopez na papayagan pa rin ang mamamayan na lumabas para bumili ng mahahalagang pangangailangan at mananatiling bukas ang mga supermarket, grocery stores at mga palengke.
Papayagan ding pumasok sa loob ng Metro Manila ang essential deliveries kaya tiyak na hindi mauubusan ng stock ang mga malalaking pamilihan.