Durant at LeBron, nanguna sa NBA All-Star Game voting
NEW YORK, United States (Agence France-Presse) — Nangunguna sa early balloting para sa NBA All-Star Game, ang Brooklyn Nets forward na si Kevin Durant at Los Angeles Lakers playmaker na si LeBron James.
Si Durant na may 2,302,705 votes ay may average na 30.8 points, second-best sa NBA, mayroon din siyang 7.5 rebounds at 5.2 assists per game para sa Nets, na rank third sa Eastern Conference sa markang 14-9.
Si James naman na pinakamahusay sa Western Conference at may 2,288,676 votes ay may average na 25.0 points, 7.7 rebounds at 7.5 assists a game para sa kasalukuyang NBA champion na Lakers, na sa pangkalahatan ay nasa pangatlomng pwesto sa Western Conference sa markang 16-6.
Kasama ni Durant sa East frontcourt spots ang two-time reigning NBA Most Valuable Player na si Giannis Antetokounmpo ng Greece na may botong 1,752,185 at Cameroonian big man Joel Embiid ng Philadelphia 76ers na may botong 1,584,028.
Malayo naman ang agwat ni Jason Tatum ng Boston na may 822,151 votes.
Sa West frontcourt, si James ay sinundan ng Serbian center na si Nikola Jokic ng Denver na may 1,477,975 votes, kasama rin si Kawhi Leonard ng Los Angeles Clippers na nasa ikatlong pwesto sa botong 1,285,777 at ika-apat si Anthony Davis ng Lakers sa botong 1,192,881.
Si Stephen Curry naman ng Golden States ang nanguna sa West backcourt na may botong 2,113,178, ikatlo sa overall balloting, habang sumunod sa kaniya ang Dallas guard na si Luka Doncic ng Slovenia na may 1,395,719 votes, at Damian Lillard ng Portland sa ikatlong pwesto sa botong 998,853.
Ang NBA scoring leader na si Bradley Beal ng Washington Wizards, na may average na 34.8 points a contest, ang nanguna sa East guards sa botong 1,273,817, habang nasa ikalawang pwesto si Kyrie Irving ng Brooklyn sa botong 1,093,611 at sinundan ng teammate nito na si James Harden na may 1,014,763 votes.
Sa buong mundo, ang fans ay nagsimulang bumoto isang linggo na ang nakalilipas, at matatapos ito sa February 16. Ang starting lineup selections naman ay i-aanunsyo sa February 18, at ang All-Star reserves na napili ng NBA coaches ay papangalanan sa February 23.
Ang boto ng fans ay kakatawan para sa 50% ng player’s total, kung saan ang current player voting at isang media panel ay tig-25% na contribution para sa final ranking ng bawat manlalaro.
Nagkausap na ang NBA at ang National Basketball Players Association tungkol sa pagkakaroon ng isang all-star contest sa March 7 sa Atlanta, sa ginanap na mid-season break na naka-plano na batay sa schedule ng liga.
Liza Flores