Durant, hindi makapaglalaro dahil sa injury
LOS ANGELES, United States (AFP) – Hindi makapaglalaro sa dalawang games ang Brooklyn Nets star na si Kevin Durant, dahil sa strained left hamstring.
Si Durant ay nakaiskor ng 20 points sa 33 minuto nitong Sabado sa Golden State, ang una niyang pagbabalik sa home court ng Warriors team na tinulungan niyang manalo ng NBA titles noong 2017 at 2018.
Nagkaroon siya ng torn Achilles tendon noong 2019 championship series, pagkatapos ay humiwalay sa Golden State para lumipat sa Nets.
Hindi naman malinaw kung kelan siya nakaranas ng strained left hamstring, na ayon sa Nets ay mild lang.
Ayon sa team, hindi makapaglalaro si Durant ngayong Lunes sa game ng Nets kontra Sacramento, at sa game ng Koponan laban sa Phoenix bukas, Martes.
Kababalik lamang ni Durant sa team makaraang hindi rin makapaglaro ng halos isang linggo, matapos niyang magkaroon ng close contact sa isang nagpositibo sa COVID-19.
Iyon na ang ikalawang pagkakataon ngayong season na hindi nakapaglaro si Durant, dahil sa coronavirus safety protocols ng liga.
Tatlong games ang na-miss ni Durant nitong Enero dahil sa potential exposure.
Sa kabuuan, siyam sa 28 laro ng Nets ang hindi nasalihan ni Durant sa first season sa court, mula nang magkaroon siya ng Achilles injury.
© Agence France-Presse