Duterte administration magsusumite ng anti COVID-19 accomplishment report sa susunod na Pangulo ng bansa


Inihahanda na ng Malakanyang ang accomplishment report ng Duterte administration sa ginawang hakbang laban sa pandemya ng COVID 19 sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na layunin ng pagsusumite ng COVID -19 accomplishment report ng Duterte administration para hindi mangangapa ang susunod na administrasyon upang patuloy na matugunan ang paglaban sa corona virus.

Ayon kay Nograles, pangunahing laman ng accomplishment report ng Duterte administration ang ukol sa mass vaccination rollout ng pamahalaan laban sa COVID-19 at ang economic recovery master plan para sa pagbangon ng kabuhayan ng bansa.

Inihayag ni Nograles na bahala na ang susunod na administrasyon kung susundin ang economic recovery master plan na inihanda ng mga economic managers ng Duterte administration.

Vic Somintac

Please follow and like us: