Duterte-Duterte tandem sa 2021 mas malala pa umano sa political dynasty ayon sa Bayan Muna

Inakusahan ng Bayan Muna ang kampo ng partido ng Hugpong ng Pagbabago na nagpapalusot lang umano para maidepensa ang ginagawang political dynasty kung matutuloy ang pagsabak ng mag-amang Duterte sa Presidential at Vice Presidential race sa 2022 elections.

Giit ni Bayan Muna Partylist Rep. Ferdinand Gaite, kung tutuusin hindi lang ito political dynasty kundi isa nang monarkiya.

Malinaw naman aniya sa batas ang pagbabawal sa isang Pangulo na maghangad ng top executive position matapos ang kanyang termino at ikalawa ay ang pagbabawal sa political dynasties.

Una rito, sinabi ni Atty Howard Calleja, convenor ng 1Sambayanan na naniniwala silang hindi tatanggapin ng mga Filipino ang Duterte-Duterte tandem sa 2022 presidential elections.

Si 1Sambayanan Convenor at retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, naman minaliit ang lumabas na Pulse Asia Survey na nagpapakitang nangunguna sa Presidential at Vice Presidential race ang mag-amang Duterte.

Giit ni Carpio, ang tunay na survey ay maaaring makita sa Marso, o ilan buwan bago ang May 2022 elections.

Madz Moratillo

Please follow and like us: