Duterte Legacy” at kaniyang mga plano sa natitirang tatlong taong panunungkulan, magiging tampok sa 4th SONA ni Pangulong Duterte
Naging matagumpay ang isinagawang ikatlo at final Pre-Sona forum sa Davao city na may temang “Tatak ng Pagbabago”
Sa panayam ng programang Isyu ng Sambayanan kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, naipaliwanag ng husto sa Pre-SONA ang mga accomplishments sa bahagi ng peace, security cluster at climate change mitigation cluster.
Ngayong linggo, aasikasuhin naman nila ang briefing kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kung ano pa ang mga nais nitong baguhin at ilakip sa kaniyang magiging talumpati.
Kailangan ding maipakita sa Pangulo kung ano ang mangyayari sa Lunes, ang kaniyang mga blockings at upang ma-review din ang speech.
Isa sa mga lalamanin anya ng talumpati ng Pangulo ay ang “Duterte Legacy” at kung ano ang kaniyang mga gagawin pa sa natitira niyang tatlong taong panunungkulan.
“Ito yung aasahan natin for the next 3 years kung ano ang gagawin ni Presidente. Nandyan ang Poverty alleviation, Infrastructure, Build Build Build. Andyan din ang Peace and Order on National Communist armed conflict. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ni Presidente pero abangan na lang natin sa Lunes”.