Duterte may lusot sa DDS issue- Rep. Roque
Hindi maaaring idawit si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga inaming krimen ni SPO3 Arturo Lascanas.
Paliwanag ni Kabayan Partylist Rep. Harry Roque, ito ay dahil sa principle of Res Inter Alios Acta kung saan ang isang indibidwal ay hindi maaaring panagutin sa pinasok na kasunduan ng iba.
Sa pahayag ni Lascanas sinabi nito na ang patrabaho ni Duterte para sa pagpatay ng target ng Davao Death Squad ay ipinapasa sa kanila ng pinuno ng DDS.
Para sa kongresista wala nang kredebilidad ang public confession ni Lascanas dahil pabago-bago naman ito ng statement.
Si Lascanas ay dapat aniyang arestuhin at kasuhan ng murder dahil kusa nitong inamin ang mga kaso ng pagpatay.
Pinagdududahan din ni Roque ang flip flopping ni Lascanas dahil ginawa ito kasunod ng pagsasampa ng kaso laban kay Senadora Leila de Lima at kasama pa nito sa pulong balitaan si Senador Antonio Trillanes IV na kilalang matinding kritiko ni Duterte.
Ulat ni: Madelyn Villar-Moratillo