Dysphagia (Problema sa paglunok )
Marami ang hindi nakaaalam na ang problema sa paglunok ay may kinalaman sa oral health. Ang alam lang kasi ng marami, ang nahihirapan sa paglunok ay ‘yung mga na-stroke, may Parkinson disease at iba pang medical problem.
Sa ngayon, marami ding mga bata ang nahihirapang uminom ng gamot o kahit mga matatanda din naman.
Hirap silang lunukin o inumin ang gamot. Kapag ganito, may problema sa oral health o may dental problem.
Kung oobserbahan, ’yung mga batang matagal kumain, sinisipsip ang kinakain nila, madalas na nakakagalitan dahil sa mabagal na pagkain, nabibilaukan kapag uminom ng tubig o nahihirinan, asahan mong may problema na sila sa oral health.
Alam n’yo ba na kahit ‘yung milk teeth pa lang na inalis o tinanggal o maagang binunutan ang ngipin, kahit ‘yung mga walang ngipin o bungi, pudpod ang ngipin , sila ang number one na affected.
Kapag maagang nabunutan ng ngipin hindi nagdevelop ng tama ang ngalangala , kapag maagang napudpod ang ngipin , apektado ang swallowing. Mahirap na lumunok dahil maliit ang bibig. Kapag napabayaan hanggang sa lumaki at hanggang sa pagtanda hirap pa rin na lumunok.
Naapektuhan ang vertical height. Ang panga kasi ay may distansya, baba at taas . Kaya, may epekto sa paglunok.
Sa mga may edad tulad nina lolo at lola, ito ang madalas na problema , ang hirap na lumunok at madalas na nabibilaukan , hindi ba ?
Kaya nga kapag ganito, hindi lang medical ang usapin kundi pati dental .
Ulitin ko lang ang batang nabunutan ng ngipin ng maaga at may mga bulok na ngipin , namamaga ang mga gilagid, apektado ang paglunok.
Samantala, dapat na makita din kung sa denture o pustiso nanggagaling ang problema dahil baka pudpod na o masyado ng matagal ang pustiso o baka walang pustiso.