e-Apostille service inilunsad ng DFA
Inilunsad ng Department of Foreign Affairs- Office of Consular Affairs (DFA OCA) ang e-Apostille service para sa PSA e-certificates ng civil registry documents.
Ayon kay DFA Undersecretary Antonio Morales, ito ang kauna-unahang e-Apostille service sa ASEAN region.
Sa pamamagitan nito ay puwede nang mag-apply online para sa PSA e-certificates at e-Apostilles ang mga aplikante, nang hindi na kailangang humarap sa parehong tanggapan.
Ang e-Apostille na naglalaman ng digital signature ng DFA ay ipadadala electronically sa aplikante.
May opsyon pa rin ang publiko na mag-apply para sa paper Apostille PSA certificates at iba pang public documents, dahil may ibang mga bansa na nag-oobliga pa rin ng paper-based Apostilles.
Moira Encina