E-visa system ng Pilipinas, isinasailalim sa beta testing sa India
Isinasailalim na sa ebalwasyon ang E-visa system ng Pilipinas sa India.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang beta-testing ay isasagawa bago ang implementasyon ng E-visa.
Susuriin dito ang system features and performance at ang applicant experience.
Batay sa mga paunang feedback mula sa Indian applicants, positibo naman ang kanilang karanasan.
Courtesy Ph Embassy In India
I-uulat naman sa DFA at sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang magiging kalalabasan at obserbasyon para sa fine-tuning ng sistema.
Sa ilalim ng e-visa ay puwede nang maghain ng visa application ang dayuhan gamit ang kanilang personal computers, laptops at mobile devices.
Courtesy Ph Embassy In India
Inihayag naman ng Embahada ng Pilipinas sa India na nakabiyahe na ang kauna-unahang e-visa Indian traveler sa bansa na si Tarina Sardana na isang negosyante.
Sinabi ng DFA na inaasahan na mas lalakas ang pagpasok ng negosyo at turismo sa Pilipinas mula sa India, sa oras ng full implementation ng programa.
Moira Encina