E-waste Management Law, suportado ng environmental groups
Sinusuportahan ng mga environmental group ang proposed law sa management of electronic waste o (e-waste).
Ayon sa Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE), ang inihaing House Bill 5901 ni Gabriela Women’s Partylist Rep. Emmi de Jesus na tungkol sa pagbabawas ng e-waste sa bansa ay dapat suportahan ni Pangulong Duterte at ibang lawmakers.
Sinabi ni Kalikasan PNE National Coordinator Clemente Bautista, ang proposed Law ay makakatulong sa pagbabawas ng e-waste sa pamamagitan ng waste management bilang public service at para maging responsable ang mga pribadong kumpanya sa kanilang mga e-waste.
Paliwanag ni Bautista, lumilikha ang e-waste ng mapanganib na kemikal na maaaring magbunga ng malulubhang sakit.
Layunin ng HB 5901 na i-ban ang pagtapon ng “end-of-life” electronic gadgets.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo