Eagle Broadcasting Corporation, muling nagsagawa ng Blood donation activity

 

Sa ikalawang pagkakataon, isinagawa ang Blood donation activity sa Eagle Broadcasting Corporation o EBC.

Ang aktibidad na may temang “Dugong alay, Pandugtong ng Buhay’ ay joint effort ng EBC at ng Philippine Red Cross o PRC.

Ayon sa PRC, tinatayang aabot sa 2,500 hanggang 3,000 units ng dugo ang kailangan kada araw upang mapunan ang kabuuang pangangailangan ng bansa sa dugo.

Binibigyang-diin nila na ang pagbibigay ng dugo ng isang blood donor ay makatutulong upang makapagligtas ng buhay ng hanggang tatlong taong nangangailangan ng dugo.

Samantala, lingid sa kaalaman ng marami nating mga kababayan, maraming benepisyong pangkalusugan ang pagdo-donate ng dugo.

Kabilang naman sa mga sakit na nangangailangan ng pagsasalin ng dugo ay Chronic kidney disease, Severe anemia, Dengue at Cancer.

 

Ulat ni Belle Surara

 

=== end ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *