Eagle Broadcasting Corporation at Philippine Red Cross, lumagda sa isang memorandum of understanding

 download
courtesy of wikipedia.org

Sa harap ng sunod- sunod na  trahedya, kalamidad at inaasahang pagpasok ngmga bagyo, lumagda sa isang Memorandum of Understanding ang Eagle Broadcasting Corporation at Philippine Red Cross.

Layon nitong mas mapabilis pa ang pagtugon sa mga biktima ng anumang sakuna gaya ng bagyo kasama na ang bakbakan sa Mindanao.

Sa pamamagitan ng mga portals ng Eagle Broadcasting Corporation, agad makakarating ang mga impormasyon sa mga lugar kung saan may nangyaring sakuna at nangangailangan ng humanitarian assistance.

Kabilang sa portals ng EBCang NET25, DZEC Radyo Agila, Pinas FM 95.5 ang Eaglenews.ph, Radyoagila.com at mga relay stations sa buong bansa.

Sinabi ni Senador Richard Gordon na mahalaga ang kooperasyon ng mediapara agad silang makapagbigay ng tulong lalo na sa mga lugar na matindi ang pinsala ng kalamaidad.

Sa ngayon, nakatuon ang pansin ng Red Cross sa mga biktima ng bakbakan sa Marawi City.

Partikular nilang binibigyang atensyon ang personal hygiene at kalusugan ng mga biktima lalo na ang mga nananatili pa sa evacuations centers.

Ulat ni: Mean Corvera      

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *