Ear, Nose and Throat consciousness week, ginugunita ngayong linggong ito
Ang December 3 hanggang 9 ay ideneklarang Ear, Nose and Throat consciousness week batay sa Presidential Proclamation no. 501.
Nilalayon ng naturang proklamasyon na maitaas ang kamalayan at kamulatan ng publiko sa kahalagahan ng early detection, prevention and trementment ng tenga, ilong, lalamunan at mga sakit sa ulo at leeg.
Sa selebrasyon, kabilang ang ENT head and neck operations na isasagawa ng libre sa ibat’ ibang ospital sa buong bansa .
Higit na dapat pagtuunan ng pansin dito ang mga indigents nating mga kababayan.
Samantala, kabilang sa mga uri ng sakit sa tenga ay otitis media o impeksyon sa gitnang bahagi ng tainga, karaniwan ito sa mga bata, tinnitus o namamalaging tunog sa tainga, marahil dahil sa impeksyon mula sa mga virus, swimmer’s ear o impeksyon na dulot na pumasok na tubig sa tainga, Auto immune ear disease (AIED) o pag-atake ng immune system sa tainga sa pag-aakalang mayroong baktirya o virus ito, cholesteatoma o pagtubo ng balat sa gitnang bahagi ng tainga at perforated eardrum o pagkabutas ng eardrum na magiging sanhi para sa pagkabingi.
Payo ng mga eksperto, kung nakararanas ng ibang pakiramdam sa mga bahagi ng katawan na nabanggit, huwag itong ipagwalang bahala, agad na kumunsulta sa eksperto.
Ulat ni Belle Surara