Early Registration ng DepEd sinimulan na
Ngayong araw , January 27 ay sinimulan ng Department of Education ang early registration para sa school year 2018 -2019.
Ayon kay Deped Undersecretary Tonicito Umali, sa ilalim ng Deped Order no. 25 ay itinakda ang maagang pagpaparehistro para sa pag-aaral mula kindergarten hanggang grade 12 .
Ito aniya ay gaganapin nationwide kung saan gaganapin ito sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Ang early registration ay magtatagal hanggang February 28 o isang buwang maagang pagpapalista.
Nilinaw rin ngkalihim ang ukol sa mga mag-aaral na papasok sa kindergarten na dapat ang edad ay nasa limang taong gulang.
“Dapat 5 years old sila other are present rules po by June of this year.Kung siya po ay maglilimang taong gulang by August 31, of this year, puwede pa rin po. Kaya lang may mga assessment lamang tayong gagawin. Lumalabas na kapag Disyembre, maglilimang taong gulang ang bata sa pampublikong paaralan ay hindi po sila tatanggapin pa. So 5 years old as of June this year, but we give consideration for those who are not 5 years old by June, kasi mayroong pag-aaral na puwede pa rin yan kapag Hulyo hanggang Agosto ng katapusan kaya lang mayroon tayong gagawing assessment kasi sa ganyang edad, a difference of some months malaking bagay na yung development ng bata.”