Easterlies, nakaaapekto sa buong bansa ngayong araw
Patuloy na umiiral sa halos buong bansa ang Easterlies o mainit na hanging nagmumula sa Pasipiko.
Ayon sa PAGASA, ang nasabing weather system ang magdadala ng maulap na papawirin na may pulu-pulong pag-ulan at pagkidlat sa Caraga at Davao region.
Posible rin ang pagbaha at pagguho ng lupa sa panahong matindi ang pag-ulan.
Samantala, sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magandang panahon ang iiral na may kasamang isolated rainshowers at thunderstorms sanhi ng Easterlies at localized thunderstorms.
Wala namang nakataas na Gale warning sa alinmang baybayin sa bansa kaya malayang makapapalaot ang mga mangingisda at makapaglalayag kahit ang mga malilit na sasakyang pandagat.