Ecological Waste Management law pinaamyendahan sa senado para papanagutin ang mga kumpanyang gumagamit ng plastic

Pina-aamyendahan na ni Senador Cynthia Villar ang labimpitong taong
batas sa Ecological Solid Waste Management o Republic Act 9003.

Sa kaniyang panukala, nais ni Villar, chairperson ng Senate committee on
Environment at Agriculture and Food na maglagay ng probisyon para
papanagutin ang mga kumpanya at mga manufacturers sa pagpapakalat ng
basura dahilan ng pagdumi ng tubig at pagkamatay ng mga isda.

Maaari aniyang isunod ang public accountability sa Extended Producer
Responsibility concept na ginagawa sa mga bansa sa Europa kung saan
ang manufacturers ay inaatasang kunin ang plastic wastes sa
pamamagitan ng buy-back or recycling program.

Una nang nagbabala ang United Nations Environment Programme o UNEP
dahil sa walong milyong toneladang plastic na itinatapon sa katubigan
taon-taon.

Samantala, ginawaran ng parangal si Villar bilang honoris causa dahil
sa pagtataguyod ng agricultural development.

Kinilala ng Board of Regents ng University of the Philippines sa Los
Baños, Laguna ang pagsusulong nito ng batas na nagpapalawig sa buhay ng
agrikutura, pagsugpo sa kahirapan at pagtataguyod sa kapakanan ng
kababaihan sa Pilipinas.

“Manny and I are donating today the ..chair to the UP Los Baños small
farm management sana makatulong tong kurso tong matulungan maitaas ang
buhay ang ng mga mangingisda at magsasaka”



Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *