Economic adviser ng Malakanyang , inirekomendang huwag ng magtaas ng alert level sa bansa kahit tumaas pa ang kaso ng Covid-19
Naniniwala si Presidential Adviser on Entrepeneurship Joey Concepcion na hindi na kailangang magtaas ng alert level kahit magkaouon pa ng pagtaas ng COVID -19 cases na posibleng idulot ng mga bagong variant na naiulat na nakapasok sa bansa.
Sa Laging Handa briefing sa Malakanyang sinabi ni Concepcion na wala siyang nakikitang problema kahit sumipa pa ang kaso ng COVID- 19 basta masigurong walang peligro sa hospital utilization rate.
Ayon kay Concepcion hindi na kakayanin pang magsara ng ekonomiya sa pamamagitan ng paghihigpit ng Alert Level.
Inihayag ni Concepcion kapag muling magtaas ng alerto apektado na naman dito ang mga Medium Small and Micro Enterprises o MSME’s
Niliwanag ni Concepcion, maaring kopyahin ang ginagawa ng ibang mga bansa na hindi na naghihigpit ng restrictions basta masiguro lang na maayos ang occupancy rate ng mga pagamutan at ituloy ang anti COVID- 19 vaccination program.
Vic Somintac