Economic adviser ng Malakanyang nababahala sa bumababang bilang ng nagpapabakuna ng anti COVID- 19
Nangangamba si Presidential Adviser on Enterpreneurship Secretary Joey Concepcion na magkakaroon muli ng pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa mga susunod na araw dahil sa bumababang bilang ng mga nagpapabakuna.
Sinabi ni Concepcion na maging ang mga nagpapabooster shot ng anti COVID-19 vaccine ay mababa parin.
Ayon kay Concepcion batay sa record ng National Vaccination Operation Center nasa mahigit 66 na milyon pa lamang ang nabigyan ng dalawang dose ng anti COVID-19 vaccine mula sa 90 milyong target population hanggang sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo at nasa mahigit 12 milyon pa lamang ang nabigyan ng ikatlong dose o booster shot.
Inihayag ni Concepcion hindi maganda sa ekonomiya ng bansa kung muling dadami ang kaso ng COVID-19 dahil magsasara na naman ang mga negosyo at mawawalan muli ng trabaho ang maraming manggagawa.
Vic Somintac