Economic Chacha, mahalaga umano sa pagbangon ng bansa matapos ang epekto ng Covid-19 Pandemic
Kailangan ng bansa ang Resolution of Both Houses No. 2 o ang Resolusyon na nagsusulong ng Economic Charter Change upang makaagapay ang bansa sa kasalukuyang Economic condition ng mundo.
Ito ang iginiit ni Marikina City Congresswoman Stella Quimbo, isa ring kilalang ekonomista, kasunod ng kanyang naging pagboto pabor sa Economic Chacha.
Binigyang-diin ni Quimbo na kung hindi bubuksan ang pintuan ng ekonomiya ng bansa ay mapag iiwanan na ang bansa.
Nilinaw naman ng mambabatas na ang RBH2 ay hindi isang free pass para sa lahat ng foreign investments papasok sa bansa taliwas sa pangamba ng ilan na maging banta ang dagsa ng foreign capital sa lokal na industriya sa bansa.
Bago aniya ang Covid-19 Pandemic ay kabilang na sana ang Pilipinas sa mga bansang nasa kategorya ng most promising developing economies.
Ipinaliwanag ni Quimbo na dahil sa naging matinding epekto ng Covid-19 sa ekonomiya ay mas lalong kumilos ang kongreso upang hindi naman mapag iwanan ng Pilipinas ng mga kapitbahay na bansa gaya ng Vietnam.
Kaya naman bilang paghahanda sa Post-Pandemic recovery ng ekonomiya ng bansa, binigyang-diin ni Quimbo na dapat ma silang kumilos ngayon at gawing flexible ang ilang Economic provisions.
Madz Moratillo