Economic CHACHA, posibleng matalakay pa ng Senado– SP Sotto
Maari pa raw matalakay ng Senado ang panukalang pag-amyenda sa economic provisions ng saligang batas na inaprubahan ng Kamara.
Pero nilinaw ni Senate President Vicente Sotto na kailangang limitado lang ang Chacha sa economic provisions at hindi na mahaluan ng iba pang usapin.
Ikukunsidera rin aniya ng Senado ang chacha kung wala sa mga probisyon nito ang ginagawa nilang amyenda sa Public Service Act at Foreign Investments Act.
Sa naturang panukala aniya luluwagan na ang pagbubukas ng mga negosyo para sa mga dayuhan na sya rin namang nakapaloob sa itinutulak na chacha ng kamara.
Pero malabo aniya itong maihabol ngayong linggo dahil sa huebes ay mag aadjourn na para sa second regular seasion ng 18th congress.
Kung papayag ang mga Senador maari pa itong matalakay sa pagbabalik ng sesyon sa huling linggo ng hulyo.
Meanne Corvera