Economic Managers, kayang ipaliwanag ang posisyong bawiin ang suspensyon ng Excise Tax sa langis – Malakanyang
Tiwala ang malakanyang na maipapaliwag ng Economic Managers ng administrasyon ang balak na bawiin ang naunang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang ikalawang bugso ng pagpapataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo.
Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na alam ng economic managers kung papaano ipapaliwanag sa Senado ang desisyong ipatupad at huwag ng suspendihin ang excise tax sa langis sa Enero ng susunod na taon.
Ayon kay Panelo nakasaad sa Tax Reform Acceleration Inclusion o Train Law na sususpendihin ang pagpapataw ng excise tax sa langis kapag pumalo sa 80 dollars kada bareles ang presyo ng krudo sa world market.
Inihayag ni Panelo na sa ngayon patuloy na bumababa ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado kaya walong beses na ring nag-rollback ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Magugunitang inirekomenda ng Economic Team kay Pangulong Duterte ang suspensyon ng excise tax sa langis sa susunod na taon dahil sa pagtaas ng presyo ng krudo sa World Market noong buwan ng Agosto na lumagpas sa ceiling price sa Train law na 80 dollars per barrel na sinabayan pa ng pataas ng inflation rate sa bansa noong buwan ng September at October na umabot sa 6.7 percent.
Ulat ni Vic Somintac