Economic relations ng Pilipinas at UAE, pinaigting
Pinaigting ng Pilipinas at United Arab Emirates (UAE) ang kanilang economic relations, para sa Investment Promotion and Protection Agreement (IPPA).
Sinimulan na rin ng dalawang bansa ang opisyal na pag-uusap para sa isang Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA).
Sa Philippines’ National Day Expo 2020 sa Dubai noong Pebrero 11, kinilala ni Trade Secretary Ramon Lopez at ng Ministro ng Estado ng UAE na si Ahmed Ali Al Sayegh ang pagsisimula ng mga negosasyon para sa CEPA, at ang paglagda sa IPPA.
Matapos ang isang bilateral meeting, nilagdaan ni Lopez at UAE Minister for Foreign Trade Thani bin Ahmed Al Zeyoudi ang joint statement, na pormal na nagpapahayag ng layunin na ituloy ang CEPA.
Ito na ang tamang panahon para sa UAE investors, habang ang Pilipinas ay nagpapaunlad ng kinakailangang investment landscape sa pamamagitan ng mga reporma sa ekonomiya at regulasyon tulad ng liberalisasyon ng Public Service Act, Retail Trade Law, Foreign Investments Act, ang CREATE Act at ang Build Build Build programs ng administrasyong Duterte.
Ang mga nabanggit ay suporta sa pagsisikap ng Pilipinas na mapadali ang pagkakaroon ng negosyo sa pamamagitan ng pag-streamline ng mga proseso ng gobyerno, pagbawas sa oras ng pagproseso at pagputol sa bureaucratic red tape.
Ayon kay Lopez . . . “The IPPA is modern, business friendly and comprehensive, covering promotion, facilitation and protection of investments. The Agreement provides for the establishment of a Joint Committee on Investments, which will serve as a platform to more closely coordinate and collaborate in implementing a focused investment promotion that create greater impact to both our economies. I urge both sides to quickly convene so we can soon realize the objectives of the Agreement.”