Ecowaste Coalition, nanawagan sa publiko na maging mapanuri sa mga binibiling School supplies
Nanawagan ang Ecowaste Coalition sa mga Regulatory agencies lalu na sa Bureau of Customs na aksyunan at maging masigasig pa sa pagpapalabas ng mga abiso at monitoring upang hindi na makapasok pa sa bansa ang mga produktong pang-bata may mataas na kemikal.
Sa panayam ng programang Breakfast on Board, inamin ni Ecowaste Manager Tony Dizon na taun-taon silang nakakakita ng mga School supplies na nagtataglay ng mga nakalalasong kemikal.
Matatagpuan aniya ito sa mga pampublikong pamilihan gaya sa Divisoria, Quiapo at Baclaran.
Kaugnay nito, sinabi ni Dizon na sa pagsisimula ng Brigada Eskuwela ay mag-iikot sila sa mga paaralan upang matiyak na “lead-safe paint” ang ginagamit sa pagpipintura ng mga eskuwelahan alinsunod sa nilalaman ng Department Order no. 4.
Nanawagan din si Dizon sa publiko na maging mapanuri sa mga school supplies na binibili.
“Hinihikayat naman natin ngayon na maging aktibo yung ating mga kababayan sa pagsusuri kasi sa kanila talaga bumabagsak yung mga ganitong problema at kailangan din na itaas natin ang antas ng kamalayan sa pamimili. Patuloy din ang ating panawagan sa mga ahensya na may kakayanan at may Police power para bantayan itong mga produktong ito”.
==============