” Egay “ nasa Supertyphoon category na
Itinaas na “ Supertyphoon “ category ang bagyong ‘Egay’.
Sa pinakahuling tala ng state weather bureau o PAGASA, tumindi ang lakas ang bagyo habang bumabaybay sa karagatan at lumalapit sa kalupaan.
Nananatili ang cone of probability na posibleng bumaba ang bagyong Egay na magre-resulta sa posibleng pag-landfall ng bagyo sa mainland Cagayan o sa area ng Batanes.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Egay sa Huwebes.
Dahil sa banta ng malalakas na ulan at mapanganib na hangin na maaaring magdulot ng mga landslides at pagbaha, pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga apektadong lugar ng bagyo.
- Babuyan Islands
- Northern at eastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Peñablanca, Gattaran, Lal-lo, Alcala, Santa Teresita, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Claveria, Pamplona, Sanches-Mira, Santa Praxedes, Lasam, Baggao, Amulung, Iguig)
- Northeastern portion ng Isabela (Divilacan, Maconacon, Palanan)
- Northern portion of Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol)
Habang Tropical Cyclone Wind Signal number 2 naman sa:
- 2 Wind threat: Gale-force winds Batanes
- Rest of mainland Cagayan
- Rest of Isabela
- Quirino
- Northern portion Nueva Viscaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Ambaguio, Vilalverde, Solano, Bayombong)
- Rest of Apayao
- Kalinga
- Abra
- Mountain Province
- Ifugao
- Northern portion of Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias, Kabayan, Kibungan)
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur, at
- Northern and central portion of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dimaculao)
Tropical Cyclone Wind Signal number 1 naman ang umiiral sa:
- La union
- Pangasinan
- Rest of Benguet
- Rest of Nueva Viscaya
- Rest of Aurora
- Zambales
- Bataan
- Nueva Ecija
- Tarlac
- Pampanga
- Bulacan
- Metro Manila
- Rizal
- Laguna
- Cavite
- Batangas
- Quezon
- Marinduque
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Catanduanes
- Albay
- Sorsogon
- Northern portion of Masbate (Uson, Dimasalang, City of Masbate, Mobo, Palanas, Aroroy, Baleno)
- Burias and Ticao Islands
- Northern Samar
- Northern portion of Samar (San Jose de Buan, Matuguinao, Gandara, Santa Margarita, Calbayog City)
- Northern portion of Eastern Samar (Oras, Arteche, Jipapad, Dolores, San Policarpio, Maslog)
Patuloy namang magpapa-ula nang southwest monsoon o habagat na pinaigting pa ng bagyong Egay sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas sasusunod na tatlong araw.
Weng dela Fuente