Ekonomiya ng PHL nitong 2015, lumago ng 5.8%

Lumago ng 5.8% ang ekonomiya ng bansa nitong 2015. Ayon kay outgoing socioeconomic planning Secretary Arsenio Balisacan, ito ay makaraang masungkit ng bansa ang 6.3% na pag-angat ng ekonomiya sa huling quarter ng 2015.

Sinabi ni Balisacan, ito ang pinakamataas na quarterly growth noong nakaraang taon. Sa kabila nito, bigo ang gobyerno na maabot ang pito hanggang walong porsyentong Gross Domestic Product (GDP) noong 2015.

Paliwanag ni Balisacan, kinapos ang pamahalaan sa target na 6.9% na GDP sa 4th quarter ng 2015, upang makuha ang 7 hanggang 8% na paglago ng ekonomiya.

https://www.youtube.com/watch?v=p2ZJth7V7Wo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *