Ekonomiya ng Pilipinas , lumago ng 7.1 percent bago matapos ang taon sa gitna ng pandemya ng COVID-19 – Malakanyang
Ipinagmalaki ng Malakanyang ang paglago ng ekonomiya ng bansa bago matapos ang taong 2021 sa gitna parin ng pandemya ng COVID-19.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na inireport ng economic managers ng pamahalaan na kinabibilangan nina National Economic Development Authority o NEDA Director General Secretary Karl Chua, Finance Secretary Carlos Dominguez at Budget Secretary Tina Canda ang paglago ng ekonomiya ng 7.1 percent kumpara sa negative 11 percent noong nakaraang taon dahil sa matinding epekto ng pandemya ng COVID-19 kung saan ipinatupad ang total lockdown.
Ayon kay Roque sa loob ng 20 buwang pananalasa ng pandemya ng COVID-19 nakakabagon ang ekonomiya dahil sa pagdating ng maraming doses ng bakuna kaya unti-unting nabubuksan ang pagbabalik sigla ng negosyo at trabaho sa pamamagitan ng ingat buhay para sa hanap buhay.
Inihayag ni Roque tumaas ang public at private investment ngayong taon ng 22 percent ganun din ang export ng 9 percent at import ng 13.2 percent.
Umaasa ang Malakanyang sa sandaling mabakunahan na ang buong populasyon ng bansa laban sa COVID-19 ay makakabalik na sa normal ang buhay at kabuhayan.
Vic Somintac