Ekonomiya ng Pilipinas, maaaring maabot na ang naging paglago noong bago ang pre-pandemic level

Ekonomiya ng Pilipinas, maaaring maabot na ang naging paglago noong bago ang pre-pandemic level

Naniniwala ang mga economic managers na maaabot na ng bansa ang lagay ng ekonomiya bago ang pandemya.

Bago manalasa ang COVID-19 noong 2019, ang Pilipinas ang isa sa itinuring na fastest growing economy sa buong mundo na naitala sa mahigit 6 percent.

Ayon kay Socio Economic planning secretary Karl Chua,unti unti nang gumaganda ang lagay ng ekonomiya dahil sa mga bagong patakaran na ipinatupad ng gobyerno lalo na sa paglaban sa COVID-19.

Katunayan ngayong unang buwan pa lamang ng taon humigit na sa target ang ipinakita ng galaw ng ekonomiya sa kabila ng naging epekto ng Omicron variant at pananalasa ng Bagyong Odette.

Umaabot rin aniya sa average na mahigit 3 billion ang kita ng bansa kada linggo na maaring maragdagan pa kung ibaba pa sa alert level 2 ang quarantine restrictions lalo na sa Metro manila.

Meanne Corvera

Please follow and like us: