Ekonomiya ng Pilipinas matinding tinamaan ng delay ng budget
Sinisisi ng mga Economic managers ng gobyerno ang sobrang pamumulitika sa Pilipinas dahilan kaya mabagal ang paglago ng ekonomiya .
Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na dahil nagpatupad ng re-enacted budget ang gobyerno sa unang quarter ng taon, hindi naabot ang target na growth rate na 7.2 percent.
Bumagal aniya ang usad ng ekonomiya dahil walang nangyaring government spending dahil sa delay ng budget at inabutan pa ng election ban.
Dahil dito, umabot lang sa 5.6 percent ang growth rate sa unang quarter ng taon na pinakamababa sa nakalipas na apat na taon.
Kasama sa mga apektado ang repair ng may 18, 575 na mga classrooms at konstruksyon ng 4,110 na bagong gusali at classrooms sa ilalim ng Department of Education.
Nadelay rin ang implementasyon ng bagong School dental health care program at pondo para sa Senior high-school program na nagkakahalaga ng 7.4 billion.
Bukod sa Deped, apekatdo rin rin ang konstruksyon ng mga bagong proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakapagbigay sana aniya ng 250 hanggang 300 libong mga trabaho at nabawasan pa ang bilang ng mga mahihirap.
Matatandaang dahil sa bangayan ng mga Senador at Kongresista sa isyu ng Pork barrel na delay ang approval ng 2019 budget kung saan abril ngayong taon nang malagdaan ito ng Pangulo.
Ulat ni Meanne Corvera