Ekonomiya ng Pilipinas, nananatiling nasa recession
Nananatiling nasa recession ang ekonomiya ng bansa sa huling quarter ng 2020.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng negative 8.3% sa Gross Domestic Product (GDP) noong huling quarter ng 2020 at negative 9.5% sa kabuuan ng taon.
Ito na ang pinakamababang pagbaba ng GDP mula noong 1998 kung saan nakaranas ng Asian Financial crisis.
Sinabi ni Mapa na pinaka-apektado ang sektor ng agrikultura na nakapagtala ng -.3%.
Bukod kasi sa Pandemya, anim na bagyo ang tumama sa bansa habang mahigit 432,000 mga aboy ang pinatay dahil sa epekto ng African Swine Fever.
Apektado rin ang sektor ng industriya na nakapagtala ng -3.1% habang negative 4.9% sa Services gaya ng Salon at mga Hotel Accomodation.
Sinabi ni Socio-Economic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, ilan aniya sa nakikita nilang solusyon ang pagpapalakas ng face to face teaching na sinimulan na sa Medical School, payagang lumabas ang mga batang nasa edad 10 pataas at payagan nang buksan ang mga negosyo.
Umapila rin si Chua sa Kongreso na aprubahan na sa Bicam ang CREATE Bill na layong bawasan ang buwis sa mga negosyo para mahikayat ang iba pang negosyante na mamuhunan at pasiglahin ang ekonomiya.
Crucial ang mga panukala para ibalik ang sigla ng ekonomiya.
Meanne Corvera