El Niño mas Titindi sa February
Asahan ang mas matinding El Niño na mararanasan sa bansa kapag pumasok na ang buwan ng Pebrero. Ito ay ayon sa PAGASA na nagsabi pang mas titindi ang negatibong epekto ng El Niño na haharapin ng bansa dahil aabot sa 85% ng bansa ang makakaranas nito.
Nagbabala rin ang PAGASA na mas kakaunti ang mga bagyong darating sa bansa na sana ay makakatulong para makadagdag sa supply ng tubig.
Ngayon pa lang ay kandidato na ang 2016 sa pinakamainit na panahon sa kasaysayan ng Pilipinas, ito ay dahil sa El Niño na nagpapataas ng temperatura sa ilang bahagi ng Pacific Ocean na siyang makakaapekto sa bansa.
https://www.youtube.com/watch?v=QFEajFo_LtA