El Niño watch opisyal ng inumpisahan ng PAGASA
Matapos maglabas ng advisory noong March 10 ng taong kasalukuyan ang Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Administration o PAG-ASA na tapos na Northeast Monsoon o Amihan at La Niña idineklara na ang opisyal na pagsisimula ng warm at dry season o panahon ng tag-init.
Sinabi ni Dr. Analisa Solis Chief Climate Monitoring Section ng PAG-ASA na mararamdaman ang development ng El Niño Southern Ocillation Condition o ENSO sa Tropical Pacific sa pagitan ng buwan ng July hanggang September.
Ayon kay Dr. Solis malaki ang posibilidad na palalahin ng El Niño ang Southwest Monsoon o Habagat dahil sa pagtaas ng water temperature sa dagat ng mula .5 degrees celcius pataas na magdudulot ng malalakas na bagyo.
Ipinagmalaki naman ni Dr. Marcelino Villafuerte PAG-ASA Weather Services Chief ang opisyal na paglulunsad ng SATREX isang scientific rainfall monitoring equipment.
Sinabi ni Dr. Villafuerte sa pamamagitan ng SATREX ay maaaring mamonitor ang hourly updates ng rainfall situation sa ibat-ibang panig ng bansa.
Inihayag ng PAG-ASA sa pamamagitan ng SATREX rainfall monitoring equipment ay madali naring malalaman ang magiging water level ng mga Dam sa buong kapuluan.
Vic Somintac